Chapter 69 Nang patayin na ni Sarry ang tawag ay napagtanto ko na parang niloloko ko lang ang sarili ko. Kahit na kinukutuban na ako ay nagpapakatanga pa rin ako. Gusto kong magwala at maghanap ng mapagbubuntongan ng sama ng loob pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ako mapakali nang umuwi ako sa condo. Ngayon ay hihintayin ko siyang muli para tanungin. Determinado akong makausap siya tungkol sa nakita ng mga kaibigan ko. Ayaw ko siyang pagdudahan pero kilala ko ang mga kaibigan ko. Hinding-hindi sila magsisinungaling sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit sila magkasama ni Preslyn at ano ang namamagitan sa kanilang dalawa. Kung niloloko niya ba ako? Nagsanga-sanga ang mga katanungan sa aking isip. Sana lang ay maitanong ko ito sa kaniya lahat pag-uwi niya ngayon. Habang ma

