Chapter 68 Kinabukasan ay nagising na lang akong nasa kama na pero mag-isa na lang ulit ako. Umalis na naman siya nang walang paalam. Bigla na lang akong tumalay at hindi ko mapigilan ang sariling maging malungkot. Ang isipin hindi ko na naman siya naabutan ay nakakapanghina sa akin. Parang pinagsisihan ko na masyadong mahimbing ang tulog ko kaya hindi ko namalayang umalis na siya sa tabi ko. Pinilit ko na lang na intindihin siya lalo pa't mukhang ayaw siya patulugin ng problema niya. Naalala ko lamang ang mga wala sa oras niyang calls. Sinubsob ko na lang sa pagtatrabaho ang lahat ng oras na mayroon ako. Lahat ng meeting at appointment ay tinapos ko. Maging ang pagpirma ng mga importanteng papeles ay tinapos ko rin lahat. Nang matapos ang trabaho ay nalungkot ako bigla. Uuwi na nama

