Chapter 79 "Tapos ka na bang magsalita? Dahil kong tapos ka na, p'wede ka nang umalis! Hindi ako papatol sa iyo dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama. Higit sa lahat ay wala akong inaagaw sa 'yo. Kung ano man ang meron ako ngayon, akin lahat 'yon! At kahit ano pa ang sabihin mo, wala akong pakialam sa 'yo! Kaya umalis ka na," may diin kong sabi at pinipigilan ko ang aking sarili na sumigaw. Kalmado lang ako habang sinasabi iyon. Ayaw ko siyang patulan dahil baka atakehin siya kapag nalaman niyang sinabi sa akin ni Khazer na ako talaga ang mahal niya. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo siya hinihiwalayan. Matuto kang lumugar!" naiiyak na sabi niya sa akin. Kulang na lang ay maglupasay siya sa sahig habang sinasabi iyon. Kung talagang mahal siya ni Khazer ay hin

