"May kasama ako." Kaharap ko ngayon ang kapatid ko. Ilang taon na rin simula noong huli ko s'yang nakita. Isang malaking balita rin mula rito nang sabihin nitong buntis s'ya. Mukhang masaya na ang kapatid ko. Kapiling ang asawa nitong si Nicholas at ang anak nilang si Talia. "May kasama ka? Kanina ka pa nakaupo d'yan ngayon mo lang sasabihin? Nasaan ang utak, kapatid?" ani ni Tatti na biglang sumimangot. "Kasama ko si Teri." Ang simangot nito ay naging ngiti at sumunod ay tawa. "Nagkakatol ka ba? Adik ka na ngayon?" "I'm serious." "Baka si Tori. Malabong si Teri, Cristituto. Tantanan mo ako sa kabaliwan mo. Alam kong pareho tayo ng trip sa mga target natin, baliw tayo sa bagay na 'yon, pero 'yong dadalhin mo rito 'yong abo ng kaibigan namin ay ibang klaseng trip na 'yon." "Daddy! You