Kung nakamamatay lang ang tingin ay tiyak kong kanina pa nakabulagta si Cristo at Demetrius. Habang kausap ng mga ito ang judge na dumating alas-12 ng hatinggabi. Oo, katatapos lang ng kasal. Pareho kaming naalimpungatan ni Teri dahil sa biglang panggigising ng mga ito. Ang mga kaibigan namin at ang mga asawa nila ay pawang mga nakangisi habang nakaupo sa couch. "Mukhang may mabubogbog na naman." Tatawa-tawang ani ni Nicholas. "Pupusta ako, hindi lang malulumpo ang mga manok natin," pabirong ani ng asawa ni Barbara. Hindi rin magawang tumingin ni Demetrius sa akin na kunwari'y nakikinig sa sinasabi ni judge. "Aalis na ako. Tinitiyak kong ang idinaos na seremonya ay legal." Dinig kong ani ng judge na hindi ko tanda ang pangalan. Nang lumapit si Cristo kay Teri ay agad na sinik