"Kami na ang bahalang maglinis dito." Sinulyapan ko si Cristo na nakasandal sa pinto at naghihintay na lang na matapos ang usapan namin nila Lucille. "Thank you. Alis na kami." Baka kasi patay na 'yong mga hostage namin sa safe house nito. Hindi pa kumakain muna kahapon ng umaga. Mga kasamahan ko na lang ang pinaglinis namin sa mga bangkay na hindi namin alam kung ano ba talaga ang pakay sa amin. Feeling ko si Cristo ang target ng mga ito, pero tikom ang bibig ng binata. Inakbayan ako nito saka kami umalis. Sinadya ko talagang ayusin ang lakad ko. Sa totoo lang natulog kami na nagkalat pa ang mga bangkay sa paligid ng hotel room. Mabuti na lang hindi nadumihan ang higaan eh. Tapos kilala ni Lady A ang may-ari ng hotel. Kaya safe na safe kami ni Cristo. Masakit ang gitna ko at sa t