"Hindi mo na kailangan pang makuha ang listahan. Tapusin mo na ang target." Iyon ang mariing bilin ng kasamahan sa akin. Pero ilang araw na ang lumipas buhay pa rin ang mag-ama. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa tinatapos ang misyon na ito. Isa lang itong simpleng trabaho na kahit ilang minuto lang ay kaya kong tapusin. Pero ano itong ginagawa ko? Sinulyapan ko si Teribelle na nakikipagtawaran sa magbubuko na babaan ang presto ng paninda nitong buko. "45 lang po 'yan, Ma'am." Kakamot-kamot ng ulo na ani ng matanda. "Sampu na lang, Tay. Bibili ako ng lima." Ngiting-ngiti na ani ni Teri sa matanda. "Ineng, bumili ka na lang ng buko juice. Ayon oh, may lima at sampu roon." Nakukunsumeng ani ng matanda. "Si tatay naman joker masyado." Humakbang na ako palapit at humugot ng wallet