"Ma, may pupuntang tao d'yan at susunduin kayo ni Papa." Kausap ko ang aking ina, okay na s'ya ngayon, hindi na ipinagpatuloy ng aking amang si Alforte Magalones ang pagtakbo nito noong eleksyon, nakahanap ito ng karapat-dapat na tanong susuportahan kaya naman iyon na lang ang ikinampanya nito. Sapat na raw ritong nakita na nito ang mga anak, 'yon nga lang wala na si Teri. Pero ngayon, tiyak na sasaya ang lahat mga ito oras na makita ang kakambal ko. "Ano bang mayroon, anak?" tanong nito na halatang curious na curious. "Basta...pakisabi na lang kay Papa." Tipid na sagot ko saka ibinaba na ang tawag. Akala namin matutulog muli nang matagal si Teri, pero ilang oras lang ay nagising ito. Maganda ang naging balita sa amin ng mga doctor nito. Kapag nagtuloy-tuloy ang magandang response ng k