Mabilis ang takbo ko. Hindi tumitigil hanggat hindi nakukuha sa unggoy ang saging na hawak-hawak ko. Hindi ko alam kung paano akong napunta sa ganitong eksena. Pero nakita ko na lang na patuloy ako sa pagtakbo. Nang mapagod ang unggoy ay mabilis kong dinakma ang saging na itinago nito sa suot nito. Mabilis na inilusot ang isang kamay saka hinawakan ang katawan ng saging. Bigla akong nagtaka bakit iyon mainit, kaya dahan-dahang nagmulat ako ng mata. Napatili ako sa labis na gulat nang makita ko si Cristo na waring naalimpungatan at tulalang nakatitig sa kamay ko. Unggoy 'yong hinabol ko, saging 'yong kailangan ko, pero bakit hawak ko ngayon ang p*********i nito. "What the f**k?" mabilis kong binitiwan iyon at pabiglang umatras. Mabuti na lang at mabilis na nahuli ni Cristo ang kamay k