"Pluma?" nakangising ani ko sa kaibigan nang sagutin nito ang tawag ko. "Yes?" waring nagising lang ito dahil sa tawag ko. "Kilala mo ba si Cristo?" inilapit ni Cristo ang mukha n'ya sa pwesto ng phone ko. Waring hinihintay ang sagot ng babaeng nagugustuhan. "Cristo as in Cristituto na kaibigan mo? 'Yong gay?" malutong ang lumabas na mura sa bibig ni Cristo habang ako ay malakas na natawa. "Oo." Natatawa pa ring ani ko rito. "Ano ang tungkol sa kanya?" ani nito. "Gusto ka raw kasi…" real quick mabilis na tumayo si Cristo at tinakpan ang bibig ko. Dahil tawang-tawa pa rin ay halos maluha-luha na ako. "Teri?" takang ani ni Pluma. Kinagat ko ang palad ni Cristo kaya naman inalis na n'ya iyon. "Pasensya na sa istorbo, sige tulog ka na." Nang maputol na iyon ay nakangising tin