Hindi mo naman kailangan magtagal sa misyon na 'yan. Umuwi ka na para naman makapagpahinga ka." Mukhang pinaabot ni Tori kay Lady A ang balitang hindi muna ako uuwi. Inilapag ko ang plastic na bitbit ko sa table. "Pahinga ko na lang din ito, Lady A. Pakisabi kay Tori ay wala s'yang dapat na alalahanin. Saka tiyak naman akong magiging okay rin ang lahat dahil kasama ko naman si Cristo." "Mag-ingat ka. Ako na ang bahala sa kapatid mo." Nang matapos ang tawag ay mabilis kong inilapag sa table ang cellphone at excited na binuksan ang plastic na talagang pinili kong bitbitin. Nang makapasok si Cristo ay agad kong nakita ang nakasimangot nitong pagmumukha. Paanong hindi sisimangot, naka-motor lang kami tapos ang dami naming pinamili. Nasira raw ang angas ng motor n'ya sa mga dala namin.