"Wala nga sabi sa akin ang hinahanap n'yo." Pilit na nagpumiglas ang babae. Dito kami sa safe house na pag-aari ni Cristo nagtungo. Tinamad na rin naman akong mag-drive, dapat sila ang sasama pero ang ending kami na lang ang sumama rito. Wesley Kdeskeyx, leader ng isang drug syndicate sa isang probinsya kung saan may itinumba itong inosenteng guro dahil lang sa kanyang pamangkin. Si Walla Kdeskeyx naman ay may kinuhang mahalagang bagay sa congressman na ngayon ay kailangan na ng matandang kabit nito. Nakatali ang dalawa sa magkabilang upuan habang kami ni Cristo ay nakatayo at nakaharap sa kanila. Kahit anong gawing pagpupumiglas ay bigo ang mga ito. "Hindi mo pa ba itutumba ang target mo?" tanong ni Cristo sa akin. Suot pa rin namin ang maskara namin kaya kampanting hindi makikilala