"Miss," natigilan ako sa pagsulyap-sulyap sa entrance ng hotel nang pukawin ng lalaking lumapit ang atensyon ko. "Cristo?" takang ani ko rito. Saka lang din ata ako nakilala ng lalaki at agad na ngumisi. "May misyon ka ba rito?" inangatan pa ako nito ng kilay. "Malamang sa malamang ikaw rin." Nakangising ani ko. "May invitation ka?" tanong nito sa akin. Mukhang iyon ang lamang ko sa lalaking ito. Iniangat ko ang invitation na ibinigay ni Lady A sa akin. Isa lang ito sa mga pagkakataon na nakakasalisi ako kay Tori. Gusto kasi nito na palagi n'ya akong mino-monitor. Nagprisita ako nang malaman kong may isang target na dadalo sa party na ito. "Let's go." Confident na ani ni Cristo sa akin. Napabungisngis ako nang maunawaan ang gusto nitong mangyari. Kumapit agad ako sa braso nito sak