"Kamukha ka ng Mommy ko. Spirit ka ba n'ya?" inosenteng tanong ng bata, dahilan para magulantang ako. "M-ommy?" ani ko na hindi makapaniwala sa sinabi nito. Pinagmasdan ko itong mabuti. "Yes. Mommy ko s'ya, ako po si Celestine Crista. Ang magandang anak ni Mommy Teribelle na tulog nang tulog. Big girl na ako pero tulog pa rin s'ya." Madaldal na ani nito. Lumapit sabay nagpakandong. Nanginginig pa ang kamay ko nang buhatin ito para makandong. "Huwag ka pong maingay ha, sabi kasi ni Daddy huwag daw akong pupunta rito kasi baka magalaw ko ang mga machines. Madededo raw si Mommy ko kapag nangyari iyon." Tumulis ang ngusong ani ng bata. "D-addy?" nautal pang ani ko rito. "Daddy ko si Cristituto, kamukha ko nga s'ya 'di ba?" nagpa-cute pa ito. Paanong nangyari iyon? Wala namang relas