Gulong-gulo man pero nagpasya pa rin akong sundan ang dalawa. Sa ikalawang palapag ng mansion kami nakarating. Hindi pumasok ang mga ito, pero binuksan ang pinto at sinenyasan akong pumasok doon. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Dahan-dahang ang ginawang paghakbang hanggang sa makapasok. Marahas ang paghinga habang parang itinulos sa kinatatayuan nang makita ang hospital bed, ang mga machine at ang taong nakahiga sa roon na may kung ano-anong nakakabit sa katawan nito. "N-ooo…" usal ko at sunod-sunod na pumatak ang luha. Saka ko lang naramdaman ang presensya ng dalawa. Ako ba ay pinaglalaruan ng mga ito. "W-hat is going on?" nanginig pa ang tinig na tanong ko. "Ipapaliwanag ko sa 'yo," ani ni Cristo. Sa totoo lang, hindi ako handa sa paliwanag nito. May