Ilang linggo ang lumipas. May times na nagpupunta kami ni Teri sa HQ, may times na s'ya lang ang wala at dito na ako nagtratrabaho. Habang naghahanda pa rin sa misyon naming dalawa. Palabas ako ng gate at plano sanang magtungo sa bahay ni Demetrius nang makita ko itong nagmamadaling lumabas ng gate. Binuksan nito iyon nang pagkalaki-laki at inilabas ang isa sa sasakyan nito. Mabilis naman akong humarap upang hindi ito makausap. "What's going on?" seryosong tanong ko rito. Nagulat nga ito mabuti na lang ay nakapagpreno. "What's going on?" maiksi nga lang talaga ang pasensya ko. Dahil pangalawang beses ko pa lang na nagtanong ay hinampas ko na agad ang hood ng sasakyan nito. "May umatake sa bahay nila Mayor Alforte." Inilabas lang nito ang ulo nito sa bintana. "Ano?" tiyak akong n