Parang hindi natatapos ang naglalagablab na apoy. Tulala lang ako habang patuloy iyon sa pagsiklab. Hindi lang sasakyan ang nasusunog ngayon. Pati na ang paligid na waring sinadyang buhusan din iyon. Matapang ang amoy ng gasolina at waring sinadyang sabuyan din iyon. "Tori!" naririnig ko ang boses ni Lady A sa device na gamit ko. Pero parang tumigil sa pag-function ang utak ko. Akala ko nakalimutan ko na kung paano ang umiyak. Pero trinatraydor ako ngayon ng luha ko. Naramdaman ko na lang ang pagpisil ni Demetrius sa sensitibong parte ng leeg ko dahilan para mawalan ako ng malay. -- "Inaasikaso na namin ang cremation." Ayaw kong idilat ang mata ko. Naririnig ko na sila, kanina pa ako gising ngunit walang lakas na gawin iyon. Naduduwag talaga akong gawin iyon. Parang panaginip