Hindi sinagot ng mga ito ang tanong ko. Kaya naman nagpatuloy ako sa pagkain. Nang matapos ay inilapag ko na ang kubyertos at saka tumayo. "Alis ka na?" "Pupunta ako kay Lady A." Kalmadong ani ko sa mga ito. Hindi na hinintay pa ang sasabihin nila. Iniwan ko na ang mga ito na alam ko namang pinanonood ako habang palabas ng dining hall. Kinailangan ko pang sumakay ng elevator upang magtungo sa office ni Lady A. "Finally," iyon agad ang bungad nito nang pumasok ako sa kanyang office. "Nasaan s'ya?" tanong ko rito. "Naghihintay na sa 'yo, Victoria." Alam agad nito kung sino ang tinutukoy ko. Hindi kailangan magdalawang salita sa taong ito. Kumuha ito nang papel at may isinulat, nang iabot nito iyon sa akin ay nakita ko kaagad ang address na nakasulat na roon. "Salamat." Akma