Mabilis akong napaayos nang tayo nang lumabas si Tori na kalmadong-kalmado ang mukha. Hindi na ako dapat pang magtanong. Alam ko na agad kung ano ang nangyari at ginawa nito. Tiyak na wala na si Damien Bataler na nasa loob kanina. Nang makalapit ito sa harap ko, gumuhit ang tipid na ngiti sa labi nito. Kasunod no'n ay ang pagsapo nito sa magkabilang pisngi ko. Saka bahagyang tumingkayad at ginawaran ang halik ang labi ko. Hindi agad ako nakakilos sa labis na gulat. Nang humiwalay ito seryoso itong nagsalita. "If you want to go, go now. Pero kung mananatili ka pa rin sa tabi ko kahit pa masyado akong toxic, kamatayan na lang ang pwede mong escape plan para makalaya sa akin." Hindi ko alam kung tinatakot ba ako nito, pero iisa lang ang siguradong sagot ko. "I'll stay." Buo ang loob