Isang beach wedding ang idinaos sa harap ng rest house namin ni Cristo. Hindi ko wedding, pero wedding ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Sa ilang taong nagdaan ay kitang-kita ko ang malaking pagbabago sa kakambal ko. Malawak ang ngiti nito, masaya ito. Iyong saya na ang hirap makita rito noong wala pang Demetrius sa buhay nito. Habang nagpapalitan ng vow ang mga ito ay halos lahat ay naging emotional habang pinanonood at pinakikinggan ang mga ito. Hindi karamihan ang bisita, pero tiyak akong ang lahat ng narito ay malapit sa puso nang kinakasal ngayon. "Tayo naman ang susunod sa kanila." Bulong ni Cristo na inakbayan ako. "Of course!" malawak ang ngiting ani ko rito. "Mommy, ayaw ko ng wedding." Singit ng anak kong si Celestine. "Nak?" nabahalang ani ni Cristo saka ito bi