New year's eve. Habang tanaw sa kalangitan ang iba't ibang fireworks ay hindi ko maiwasang maluha habang naglalakad palapit sa lalaking sa pangalawang pagkakataon ay pakakasalan ko. Tulad ni Tori, isang beach wedding ang kasalukuyang idinaraos ngayon. Hinintay na sumapit ang 12 bago ako naglakad sa aisle. Kulay puti at pulang rosas ang nakakalat sa lapag. Ang mga kulay puting bean bags ay s'yang nakakalat sa magkabilang side na s'yang kinauupuan ng mga bisita. Lahat nang dekorasyon ay kulay puti at pula. Ako naman ay puting bestida lang na medyo sumasayad ang dulo sa buhangin, si Cristo ay kulay white na Hawaiian polo at kulay puting maong lang ang suot. Lahat ay simple, mas gumastos pa nga kami sa kabilang set up na tanging inaabangan ng anak ko. May playground kasi kaming sinet up par
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books