Huling Kabanata CELESTE “BINIBINI. Binibini…” “Mahal ko…,” “Celeste…,” “Asawa ko…,” Nagising ako sa mga katagang iyon. Nakita ko si Simoun mula sa aking panaginip. Hindi ko mawari kung bakit at nakita kong maliwanag na ang kapaligiran. Nakahiga ako sa aking kama at napatingin sa aking bintana. Bukas pala iyon at saka ko nakitang tinangay ng hangin ang kurtinang puti. Tatlong araw na nang huli kaming magkita ni Simoun. Wala pa rin akong balita mula sa kanya dahil napakahigpit ng mansion sa akin. Bawal akong lumabas at bawal din akong kausapin ng kahit na sino. Si Inicia lamang ang tanging nakakapsok dito ngunit upang magbigay lamang ng pagkain. Sinasamahan din siya ng isang gwardya pagpasok at paglabas ng aking silid. Ilanga raw na rin akong hindi nakakakain. Ilanga raw na rin ako

