Kabanata XLIV CELESTE “BITIWAN ninyo ako!” Pilit akong nagpupumiglas habang paalis na ang sinasakyan naming sasakyan ng military. “Binibini, huwag na kayong manlaban. Ito ang utos ng inyong kapatid at ng inyong ama,” sabi pa ng isa. Si Lupe at ang kasama niyang babae ay nasa kabilang sasakyan. “Kailangan ako ng asawa ko. Wala ba kayong mga puso? Kailangan niya ako,” naiiyak kong wika. “Pasenysa na talaga binibini, ngunit ito talaga ang utos mula sa henrl mong kapatid,” sabi pa niya. Wala na akong nagawa nang tuluyan na itong makalayo sa lugar kung saan ko naiwan ang asawa ko. Labis ang aking pagtangis dahil hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan ng kapatid ko. Alam kong galit nag alit siya at sa isang iglap ay maaari niya lamang paslangin ang aking asawa. Hinding hindi ko sila mapa

