Chapter 63 3rd Person's POV; "Ang tagal tumigil ng ulan." Bulong ni Astrid habang nakatingin sa labas. Malakas ang hampas ng hangin at ulan kaya nag aalala itong bigla na lang magiba ang kubo kahit gawa ito sa kahoy. "Mahirap ang mama at papa mo diba Salves? Gusto mo ba yumaman?" Tanong ni Cadmus na kinatingin ng dalaga. "Bakit hahatian mo ako sa yaman mo?" Biro ng dalaga na kinatingin ni Cadmus sa babae para tingnan kung lasing na ba ito kaagad. "Joke lang yun, actually ayoko ng word na yaman ... okay na sakin kahit mabigyan ko lang sariling lupa sina papa at mama tapos maayos na bahay." Dagdag ng dalaga. "Maliit na negosyo at mapagkakakitaan simpleng buhay na yun kasama sila ... masaya na ako." "Hindi ko nga maintindihan sainyong mayayaman, nasa ere na kayo gusto niyo pa umangat