Chapter 62 Astrid Salves's POV; "Teka lang." Ani ko kay Cadmus ng magring ang phone ko sa bag ng nasa parke na kami pauwi bahay. Lumayo muna ako kay Cadmus para sagutin ang tawag at ng makita kong si mama yun mabilis ko itong sinagot. "Bakit ma---." ["Anak kasama mo ba si Cadmus? May mga tao kasi dito hinahanap siya."] Bungad ni mama na kinatigil ko ng ilang segundo. "Y-Yes ma kasama ko siya actually pauwi na kami." Sagot ko hanggang sa parang may kinausap si mama sa kabilang linya. ["Sige anak maghihintay na lang daw sila dito mag iingat kayo."] Ani ni mama bago mag paalam. Nang babalik na sana ako kung nasaan na si Cadmus bigla na lang ito nawala kaya nilapitan ko yung matandang tindera ng cotton candy. "Manang nakita niyo ba yung gwapong lalaki na kasama ko dito kanina lang?"