Chapter 61 3rd Person's POV; "Nasaan si Cadmus?" Tanong ng ama ni Astrid ng makapasok ito ng bahay at makita ang mag ina sa kusina. "Nasa kwarto papa mukhang napagod." Natatawang sambit ni Astrid bago mag mano sa ama ng pumasok ito sa kusina at bigyan ng halik sa noo ang mag ina. "Alam mo ba ang binatang yun maghapon kaming tinulungan sa paglalaba, dinoble pa ni mare ang bayad dahil natapos namin ng maaga ang paglalaba." Kwento ng ginang matapos maglagay ng plato sa lamesa. "Aba mukhang madami kang niluto at mukhang masarap." Nakangiting sambit ng lalaki bago umupo. "Sobra sobra kasi ang nakuha kong pera pagpapasalamat ko din sa pagtulong ni Cadmus, ito nga si Astrid sabi ko igala niya bukas si Cadmus sa lugar natin." Ani ng ginang. "Mama saan naman kami pupunta? Igagala niyo si Cad