Chapter 60 3rd Person's POV; "Iho sigurado kang tutulong ka samin?" Tanong ng ginang ng sumunod sakanya ang binata kasama si Astrid. "Ssbi ko naman po tutulong ako." Sagot ng binata. "Hayaan niyo na mama siya na mag igib ng tubig." Ani ng dalaga. Padaan na sila sa eskinita ng halos lahat ng babae napapalingon sa mag iina na kinakunot ng noo ng dalaga. "Oy Cadmus." Tawag ni Astrid na kinatingin ng binata ng mahuli ito sa paglalakad. "Bilis bilisan mo maglakad tanghali na---." "Oy ikaw pala andito ka ulit*hik*." "Inom tayo." Yaya ng matandang lalaki habang may dalang baso. Dahil mababangga nito si Astrid bahagyang ginilid ng binata ang babae. "Sige po." "Cadmus iinom ka hindi---." "Pakikisama lang isang shot lang naman." Sagot ni Cadmus bago kuhanin yung baso at inumin ng parang