Chapter 55 3rd Person's POV; Matapos lumabas ni Astrid sa cubicle naghinaw na ito ng kamay at naghilamos matapos nito tanggalin ang salamin na binigay ni Cadmus. Habang ginagawa yun ng dalaga nakarinig siya ng pagbukas ng pinto at pagpasok ng mga lalaki sa loob. "S-Sino kayo? Ladies room ito anong ginagawa n---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng hindi niya makapa ang salamin niya matapos kuhanin yun ng isa sa mga lalaki. "Akin na yang salamin ko!" Sigaw ng dalaga hanggang sa may nagtakip ng ilong nito ng panyo at mawalan ito ng malay. "Dalhin niyo yan." Utos ng lalaki bago nakangising tumalikod at naglakad palabas. -- Kasalukuyang nagchecheck ng attendance ang apat sa councils hawak ang isang log book. Habang ang grupo naman ng Blacksphere ay naglalakad papunta sa section nito.