Chapter 54 Alcide Asuncion's POV; "Ang init putangna." Rinig kong mura ni Dwayne habang naglalakad kami pabalik sa booth. Karamihan sa C-lite students nakatayo na ng booth yung iba nahihirapan pa. "Ayun sila." Ani nina Dwayne bago nauna sakin sa paglalakad susundan ko na sana sila ng---. "Aila bumaba ka diyan mahulog ka!" Napatingin ako sa hindi kalayuan ng makita ko sina Cherry. "Hindi pwedeng maupo lang tayo dito kailangan natin itayo itong booth." Napakunot ang noo ko ng kalahati sa section nina Aila nasa lilim ng puno at pinagtatawanan sina Aila habang ang ilan naman ay nakatayo lang at tinitingnan lang si Aila. Sa inis ko lumapit ako at ng makita ako nina Cherry tumabi ang mga ito habang si Aila naman ay pilit na sinasampa ang cover ng tent sa taas. "Ahh!" Tili ni Aila ng wal