Chapter 51 3rd Person's POV; Hindi nakapagsalita si Astrid ng ilang minuto kaya lumapit si Alcide matapos tumikhim at inakbayan si Charlie. "Maaga pa mabuti pa maglaro muna tayo ng basketball."yaya ni Alcide. "Oo nga naman exercise na din yun." Hirit ni Alvis bago akbayan si Keinzu. "Teka lang si Astrid."ani ni Charlie ng yayain siya ni Alcide paalis. "Itotour pa kami ni Astrid hindi---." "Kami na gagawa nun tiyaka maaga pa ayos lang yun si Salves kay Leader." Hirit ni Alvis. "Yung pinsan ko." Aalis si Astrid ng hawakan siya ni Cadmus at hilahin papunta kung saan. "H-Hoy gangster saan mo ako dadalhin teka!" Ani ni Astrid ng makitang pinagtitinginan na sila ng ilang estudyante. Hindi umimik ang binata hanggang sa makarating sila sa music room. "Gangster ano ba?" May inis na tanon