Chapter 52 3rd Person's POV; "Guys announcement." Bungad ng president ng section nina Astrid matapos itong pumasok at pumunta sa unahan. "Matutuloy na ang Sports festival at sa Farell university na yun gaganapin." Anunsyo ng binata na kinatili ng mga estudyanteng babae. 'Kyaaah! Makakapasok tayo sa Farell!' "Hindi natin magagamit ang field kaya napagpasyahang sa Farell na ang gaganapin ang Sport Festival. Kaya sa loob ng isang buwan sa Farell na tayo papasok at pansamantalang isasara ang C-lite." "Ayos lang kaya na sa Farell tayo?" Tanong ni Ella. "Bakit may problema ba?" Tanong ni Astrid. "Madami daw kasing mean and bitches na nagkalat dun." Sagot ni Ella habang nakahalumbaba. "Parang ayos naman sila tahimik sila dito." Depensa ni Astrid. "Duhh girl siyempre nasa ibang teritory