Masaya kaming nakukwentuhan ng mga kaibigan ko ng biglang nagsalita si Shaina "OMG bes! Walanghiya talaga yang asawa mo! Look!" napatingin kami sa likuran at nakita namin si Red kasama si Michele at nakakapit pa ito sa braso ng asawa ko. Grrrr!
Sarap kagatin yung kamay hanggat sa kumalas. Biglang kumirot yung puso ko. Ang sakit pala makita sila sa personal na ganyan. Ang sweet. Sweet din naman si Red sakin. Well... sa bahay nga lang. At sa harap ng mga parents namin. Minsan mas gusti ko nalang na parati sila mommy at mama sa bahay. He would look at me like I'm some kind of precious gem to him.
"Oh nandito din pala kayo?" Masiglang bati ni Michele samin ng mga kaibigan ko "Opo Doctora hindi mo naman siguro pag aari tong cafe na to" napatawa ako ng mahina sa huling sinabi ni Kriza kasi tila pabulong ito
"May nakakatawa ba Dr. Samaniego?" Nagulat ako at napatingin bigla kay michele at tinaasan pa ako ng kilay. Aba't! The nerve! "Ah wala po. Naalala ko lang kasi bigla yung kwento ng Yaya ko. Tungkol sa isang lalake na harap harapan nambabae sa kanyang asawa"
Mukang nagulat sina Red, Shaina, at Kriza sa sinabi ko pero mukang wala paring alam si Michele hmp. Yan kasi kalabit ka ng kalabit sa lalakeng may asawa na. Daig mo pa yung iguana.
"Oh don't mind me doc. Btw doc kamusta na yung pasyente nyo na positive sa ebola? Muntik ko na sana operahan yun. Mabuti nalang hindi ko tinuloy kasi umalis kayo in the middle of the surgery. Diba po Dr. Ong?" ngumisi ako ng makita kong patagong nag high five yung mga kaibigan ko.
"Aba't!" "Tumigil na kayo!" lahat sila napatingin kay Red but I didn't even flinch a bit at nanatili yung titig ko kay Michele
"Both of you are doctors pero kung makapag eskandalo kayo parang wala kayong pinag aralan!" bigla akong napatingin sakanya. Ako pa talaga Red Alexander?!
"Umalis nalang tayo dito Red. Ayokong makita tong mga Residence na walang respeto!". "Muka mo ba dapat irespeto" Sagot ni Shaina at napatawa ulit ako ng mahina.
"Aba't sumusobra ka na!" akmang sasampalin niya ako ng magsalita si Kriza "Subukan mo! At kapag mamula yang pisnge ng besy ko idedemanda kita!" napanguso siya at tumingin kay red "Red! Di mo ba ako ipagtatanggol sakanila?" parang bata ba sumbong nito at nagpaawa effect pa.
Umiinit yung dugo ko. "Oo nga naman Dr. Smith. Why don't you protect her from us?" Napatingin siya sakin at parang di makapaniwala. First time, Red? You didn't expect this from me diba?
"Mauna na kami sa inyo" aalis na dapat kami ng hawakan ni Red ang kamay ko kaya napatigil ako at tinignan siya "Mag usap tayo mamaya sa bahay" pabulong na sabi ni Red. Neknek mo! Ulol! Bwesit!
"Sorry po doc. Pero" tinignan ko si Michele na namumula na sa galit. Ngumisi ako sakanya "Manigas ka" at tuluyan na kaming umalis
"Hi Kels, is Dr. Smith inside? Papasa lang sana ako ng charts ng patients niya." I asked his secretary at tinanguan lang ako nito "Yes, doc. Pasok lang po kayo".
"Arranged lang kami ni Alena mommy." Was that Red? May kausap ata siya sa phone "I didn't have a choice that's why I married her! Hindi ko naman siya mahal! I would rather loose her than loose one of the best surgeon my hospital could ever have! Loosing her would mean a lot! I won't take any risk!" I didn't know he hated me this bad. Hindi ko alam kung paano pero I found myself running. I don't know where.
"Miss may sasakyan!"
_________________________________________________________________________________________________
#IWOHSW
Happy Reading, loves!!