"Alena? Jusko! Bakit ka umiiyak?" tanong agad ni Nana Wanda sakin ng makapasok ako ng bahay. "Teka bakit may sugat ka?! Anong nangyare sayo?" agad niya akong nilapitan at sinuri yung katawan ko. "Susmaryosep ija may sugat ang noo mo!" nagpapanic na saad ni nana
"Ayoko na po Nana" umakyat ako at nag impake. Hindi ko na kayang tiisin to. Ilang taon na din na ganito. Ayoko na saktan yung sarili ko. Alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan dati palang pero hindi ko din alam kung bakit ko pa pinipilit ang sarili ko sa kanya.
Agad agad ko hinablot ang mga damit ko at pinagkasya sa maleta. Kinuha ko na din ang lahat ng mga gamit ko sa vanity table ko at bumaba na ako.
"Hija! Jusmiyo naman ano bang problema? Teka bakit may bitbit kang maleta?"Nagulat ito ng makita akong bitbit yung isang malaking maleta ko habang pababa ng hagdan
"Kina mama po muna ko nana. Mahal na mahal ko po si Red pero sobrang sakit na po." Hindi na siya nakapagsalita at niyakap niya lamang ako. Umalis na ako tuluyan ng bahay.
Pagdating ko sa bahay agad ako sinalubong ni Mama ng yakap "Mama it hurts so much" I cried and hugged her tight. "I am so sorry baby. Sana hindi nalang namin kayo pinagkasundo. Ikaw ang talo sa relasyon ninyong iyan anak. Mama is sorry" She kept on caressing my hair while I keep on crying on her shoulders.
"Give her time hijo. I think it's best kung hindi muna kayo magkikita" bumaba ako para kumuha ng maiinom ng marinig ko si Mama na kausap si Red sa phone.
"Doc!" rinig kong sigaw ng nurse sa intercom "Anong nangyare?" I asked calmly "Cardiac Arrest po doc!" dali dali akong lumabas ng nurses station at tumungo sa operation room.
"Sino ang lead surgeon?" tanong ko sa mga nurses habang nag aayos "Si Dr. Smith po" Ngumiti nalamang ako sa mga nurse. Aalis na sana ako para mag handwashing ng pumasok si Red at si Michele sa operating room. Nginisihan lang ako ng bruha.
Hinihilot ko yung ulo ko kasi bigla sumakit siguro kasi kulang ako sa tulog. Naglalakad ako papuntang cafeteria ng may biglang humatak sakin papuntang maintenance room.
"Ahhh! Sino ka?!" hinayupak sino ba to?! "Shhh. Ako to" namilog ang mga mata ko at tumigil na din ako sa pag pipiglas "May problema ba tayo? Bakit ka umalis?" pinipigilan niyang umiyak. Bakit Red? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mas lalong magalit dahil sa tanong niya.
I guess he is just insensitive. Hindi ako nagsalita kaya mukang nagalit ito "Alena please! Magsalita ka naman!" hinawakan ko yung pisnge niya "I'll set you free Red." pinipigilan kong hindi umiyak
"Ako nalang mag aayos ng anullment papers. Hindi ko na kaya. 6 years is more than enough. Minahal. No. Mahal kita Red. Hindi pa sinasabi nina mama na ipapakasal nila ako sayo gusto na kita." wala na. I lost. I cried.
"Ano ba yang mga pinagsasabi mo ha?! Pwede ba Alena! Just go home. Pinag alala mo si Nana. Don't act like a brat!" umiling ako. I'm not acting like a brat. I'm hurt.
"I've had enough Red. I know nahihirapan ka na rin. You're free now. Be with the girl you love. I wish you all the happiness in life."
_________________________________________________________________________________________________
#IWOHSW
Happy Reading, loves!!