"Where's my table?" Nagtataka kong tanong sa dalawa kong kaibigan nang wala akong madatnan na gamit sa 'king p'westo. It's been two days since we got back here in Manila. Ngayong araw ako magsisimulang muli sa pagtratrabaho. Am I fired? "Nako, kahapon pa pinalipat ni Sir sa loob ng opisina niya," tugon ni Serah. Umawang ang aking bibig sa narinig. "Nagkaayos na ba kayo?" Pang-uusisa ni Feya. Mabagal naman akong umiling bilang sagot. "Hala? Ano kaya'ng trip niya ngayon?" Naniningkit na bulaslas ni Serah. "Hindi kaya nalaman n'ya na tinutulungan niyo ako kaya pinalipat niya 'yong table ko sa loob para masigurado na ako ang tumatapos sa lahat ng trabaho?" Sabay na napatakip ang dalawa sa kanilang bibig at bahagyang nanlalaki ang mata. "Naku! Girl, baka nga tama ang hinala mo. Lalo