"I-Inay," utal kong sambit. "Tinatanong kita Jandie," aniya. Naramdaman ko ang paghaplos ni Achetbir sa 'king braso na tila ipinaparamdam sa 'kin ang kaniyang suporta sa pamamagitan n'yon. "Sa kwarto nalang po tayo mag-usap Inay," wika ko. Umangat naman ang kaniyang isang kilay sa pagtataka. "Bakit pupunta pa tayo sa kwarto? Mas magandang pag-usapan natin 'to mismo habang magkakaharap tayo ng ama ng ipinagbubuntis mo," seryosong sabi ng aking ina. Nahigit ko ang aking hininga kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nangangatal akong tumuwid sa pagkakatayo at tumikhim upang makapagsalita. "H-Hindi po s'ya ang ama.." Pagsisinungaling ko. Gustuhin ko man na aminin kay Inay ang lahat ay hindi ko 'yon magagawa sapagkat kasama rin namin si Achetbir. Nanlaki ang mata ni Inay at bahagy