"Oo, boss nakuha namin 'yong babaeng nasa litrato. Makinis ang balat, poselana ang kulay... maganda, kulay abo ang buhok. Pi-picture-an ko kung hindi ka naniniwala sa akin. Ise-send ko na lang din sa iyo. Oh siya, sige boss. Pakibilisan at itong mga kasama ko, hindi ko maipapangako kung hangga't kailan ko sila mapipigilan. Aba'y parang asong nauulol sa kagandahan nitong chix mo." Matapos ang tawag, naghalakhakan ang mga kalalakihang kumuha kay Danaya. Hindi pa man natatapos ang kanilang trabaho dahil hindi pa ito nakukuha ng kanilang amo ay nagdiriwang na sila kaagad. Nagkalat ang basyo ng gin sa sahig, maingay na tugtugin ang pumuno sa paligid. "Boss, patikim na kami. Hindi naman malalaman kung dinilaan ko sa leeg 'yang magandang babaeng 'yan," pangungulit no'ng isa,. Gaya kanina, mari