DION Nakauwi na ako't lahat-lahat, hindi pa rin ako nakasuot ng damit pang-itaas. Masyado akong sabik na mapatikim si George ng masarap kong kamao na ilang araw kong hinasa para lamang sa gabing ito. Labag man sa loob ko na iwan si Danaya sa puder ng ibang tao, kailangan kong gawin ito nang matapos na ang lahat. Hindi na rin ako makapaghintay na tuluyang mabura na sa populasyon ng Pilipinas si George. Malapit na ako sa Underground Society. Balak ko sanang kumustahin kung natutulog pa rin si Danaya pero lowbatt na ang cellphone ko. Sana naman walang mangyari habang wala ako. Bibilisan ko na lang ang pakikipagtuos kay George nang makauwi rin kaagad. Gustuhin ko man na pagdusahan niya habang buhay ang walang kapatawarang pagkakasala kay Danaya, mas mainam na tapusin na kaagad. Kami lang

