"Sabihin mo sa aking hayop ka... bakit mo sinaktan ang kapatid ko, ha?!! Anong karapatan mo para galawin si Danaya?!" nanggagalaiti kong tanong. Pareho na kaming pagod. May tama na rin ako sa katawan pero mas malala sa kaniya. To be honest, hinayaan ko siyang masuntok ako ng ilang beses para hindi siya panghinaan ng loob. Nakakawalang gana naman kung ang kalaban mo'y hindi lumalaban pabalik. Binibigyan ko lang siya ng katiting na pag-asa na maaari niya akong matalo. "Hahahaha. Lahat ng ginawa ko sa kaniya ay dahil sa pagmamahal ko sa kaniya." "Pagmamahal? Ipinaglalaban mo sa akin na mahal mo siya?! KAGAGUHAN! Sumagi man lang ba sa isip mo kung ano ang nararamdaman ni Danaya?! Kinonsider mo man lang ba ang kagustuhan niya?! You violated her... you ruined her! Tapos sasabihin mo sa akin g

