JAM Time check 2:30 in the morning at ni isang minutong idlip ay hindi ko pa nagagawa dahil binabantayan ko nang todo si Danaya. Baka kasi kailanganin niya ulit ang tulong ng mga daliri ko, mas mainam nang nakaantabay ako sa kaniya. Mahirap pa naman akong gisingin kaya nilalabanan ko talaga ang antok ko. "Nasaan na kaya 'yung dalawang 'yon? Anong petsa na... anong oras na," bulong ko habang kinukusot-kusot ang mata. Inaantok na ako, malala. Paniguradong kapag ipinikit ko ang mga mata ko, todas na. Wala nang buklatan hanggang mamaya. "Babe?" Napalingon ako noong marinig ko ang pagbukas ng pinto. Kaagad akong bumangon at tumakbo patungo kay Tim. "Bwesit ka! Kanina pa kita hinihintay!" mariin kong bulalas. Sinapok ko ito sa noo dahil hindi niya alam kung gaano ako nag-alala sa kaniya.

