FACUNDO "Nakapagtataka... bakit hindi ako sinasagot ng gurang na iyon? Ano na naman kaya ang ginagawa niya?" tanong ko habang inihahanda ang aking sarili. May natanggap akong liham mula kay Mr. Hernandez kung saan iniimbitahan niya ako sa Underground Society. Naroroon daw ang mga anak ko. Natuwa ako noong mabasa ko iyon dahil sikat ang Hide and Seek pagdating sa larangan ng ilegal na gawain. Hindi ko alam kung bakit napunta roon si George dahil nahihintay kami ng mama niya na bumalik siya sa binili niyang masyon ngunit hindi na namin siya nakitang muli pagkatapos niyang magpaalam na susunduin si Danaya. "Sinalisihan na naman ako ni George... ang pabigat na iyon, walang utang na loob katulad ng kapatid niya!" bulalas ko habang nakatingin sa salamin. "Ano? Nakaayos ka na ba?" tanong ng

