DANAYA Nagising ako dahil sa mainit na dampi ng sinag ng araw sa aking mukha. Iginala ko ang aking mata at nakita ang marungis na mukha ni Dion. Nalukot ang noo ko't mabilis na bumalikwas. "Dion? Dion? Can you hear me?" tawag ko. Tinapik-tapik ko ang mukha nito sa takot na baka may nangyaring masama sa kaniya. "Uhmmm..." Kinusot-kusot niya ang kaniyang mata at dahan-dahan niya iyong iminulat. Napahawak ako sa aking bibig, sakop ang aking ilong dahil para akong magkaka-nosebleed sa sobrang gwapo niya. Grabe ang pasasalamat ko ngayon na nakaligtas ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makita siyang ganito. "Anong problema?" nag-aalaa niyang tanong noong maaninag niya ang aking mukha. Kaagad siyang bumangon kaya pareho na kaming naka-indian sit. Hinaplos niya ang pisngi ko, hinihint

