DION Pasado alas otso na ng umaga, isa't kalahating oras pagkatapos simulan ang operasyon kay Danaya. Pinauwi ko muna iyong dalawa dahil kawawa naman, hindi pa sila nakakapagpahinga at wala pa silang kain. Pinapasok ko rin si Tim sa kumpanya upang magbantay. Nakahiga na ako sa mahabang upuan sa labas ng silid ni Danaya. Inaantok na rin ako kanina pa ngunit nilalabanan ko lang iyon. Nakatingin ako sa kisame, dilat ang mga mata kahit na unti-uting hinihila ng antok ang aking kaluluwa. Noong bumukas ang pinto, kaagad akong bumangon, aligagang tumayo at humarap sa doktor. "K-Kumusta po, dok? Ano pong lagay ni Danaya? Ng anak po namin?" sunod-sunod kong tanong. Huminga ito nang malalim, ipinatong ang isa niyang kamay sa ibabaw ng balikat ko. "They're safe, thank God..." "H-Huh? A-Ano p

