FACUNDO Masaya kaming nagdiriwang ngayon ni Mrs. Wang dahil hindi pumalpak ang aming planong pagsunog sa bahay nina Dion. Paniguradong namomroblema na sila. "Mabuti na lang at magaling ang tauhang nakuha mo," papuri ko. "Hahahaha! Ako pa ba? At saka isang milyon ang pabuya ko sa sa kanila kaya dapat lang na malinis ang kanilang trabaho." Isang ngisi ang pinakawalan ko. At ni isang kusing ay wala akong ibinahagi sa iyo... gano'n pa man, sa akin ang tagumpay. Isa ka talagang malaking kayamanan sa akin. me "Facundo? Hindi mo man lang ako ginising, may bisita pala tayo rito." Napalingon ako noong marinig ang boses ng aking asawa. Nalukot ang aking noo dahil masyadong manipis ang kaniyang damit, hindi naman iyan ang suot niya kanina noong iwan ko siyang natutulog. "Ahh..." "Talagang inu

