MALALIM na ang gabi, bilog at maliwanag ang buwan. Huni ng kuliglig ang nagsilbing witness sa pagtakas ni Danaya kasama ang ginang na hindi niya kilala. Tangan-tangan nito ang isang kamay ng dalaga, pinipilit niya itong tumakbo nang patuloy kahit na nagmamakaawa itong magpahinga na muna saglit. "Ahh..." Bumagsak na sa damuhan ang tuhod ni Danaya. Wala na siyang sapat na lakas upang bumangon pa. Mabigat ang kaniyang paghinga, unti-unti nang tumitiklop ang talukap ng kaniyang mata. "Tsk. Pahirap," usal ng ginang. Tinignan niya ang walang malay na katawan ni Danaya. Sa sobrang inis hindi niya napigilang hindi sipain ang tagiliran ito. Walang kibo ang dalaga kaya inulit niya ang pagsipa. "Kung hindi lang ako nangangailangan ng pera hindi kita tutulungan," muli niyang bulong. Huminga siya

