JAM Hindi ako mapakali dahil itong pinsan kong si Ralph ay parang kabute na lang na sumusulpot sa kinaroroonan ko. "Paano mo nalaman na nandito ako?" nagtataka kong tanong. "Napanoog ko sa soc med," mabilis niyang tugon. Inaaya niya akong puntahan na namin si Danaya dahil nag-aalala raw siya. Parang gusto ko siyang kotongan dahil hindi naman sila close pero kung makapag-ano naman siya akala mo talaga may relasyon silang dalawa. "Nabobobohan talaga ako sa iyo, Ralph. bakit ba obsess na obsess ka kay Danaya? Wala kayong relasyon, hoy baka nakakalimutan mo na naman. Magkaibigan ba kayo? HIndi. Completely strangers kayong dalawa, alam niyo lang iyong pangalan ng isa't isa pero hanggang doon na lang iyon." Ang astig lang dahil nanenermon ako habang naglalakad patungo sa sasakyan ni Ralph, t