MARGA "PAKSHET! Bwesit na Danaya na 'yon! Hindi pa natuluyan!" malakas kong sigaw habang minamaneho ko ang sasakyan. Imbes na sa Hospital ang punta ko, dumiretso ako sa bahay dahil tinawagan ako ni dad at pinagmamadaling umuwi. Siguro'y may sasabihin siya sa akin o baka naman iko-congratulate niya ako dahil naging successful ang launching ng bagong prduct ng company. Mahigpit ang kapit ko sa manebela ng sasakyan, labis akong nanggigigil dahil sa nangyari kanina. Iniisip ko na sinadya talaga ni Danaya na hindi lumaban kanina dahil alam niyang magsusumbong iyong tatlo at pupuntahan siy ni Dion. "Such a b***h! Ha! Sa susunod na makita ko talaga ang pagmumukha niya, dudurugin ko talaga siya! More like... ipapadurog ko siya." Ayaw kong madumihan ang mga kamay ko ng dugo ni Danaya. Sinisigu