DION Pagkatapos ng nangyaring kaguluhan kanina, iniwan ko muna saglit si Danaya dahil tinawagan ako ni Tim na nasa labas siya at ibibigay na niya sa akin ngayon iyong files na naglalaman ng background ni George Cojuangco. Hindi na raw siya makakadaan sa company dahil may pinapapuntahan sa kaniya si Tita. Paglabas ko nakita ko na kaagad si Tim, nakasanday sa kaniyang motor nakahawak sa kaniyang cellphone. "Tim!" tawag ko. Inangat niya ang kaniyang ulo tapos noong makita ako'y siya na ang naglakad palapit sa akin. "Heto na boss. Kumpleto na iyan, simula sa pagkabata niya hanggang recent. Kumpletos rekados 'yan, may pictures," sabi pa niya. Nagpasalamat ako sa kaniya tapos pinaalis na siya kaagad dahil halata namang nagmamadali siya dahil panay ang tingin niya sa orasan. "Pasensya ka na,