CHAPTER 29.5

1556 Words

MARGA "Nasaan?" tanong ko kay Tim sa kabilang linya. Hinahanap ko sa kaniya si Dion dahil hindi nito sinasagot ang tawag ko. Noong pumunta naman ako sa bahay nila kanina, ang sinabi sa akin no'ng nagbabantay ay umalis daw silang magkapatid. "Bakit mo ba tinatanong Marga? Alam mo namang hindi ko sasagutin ang tanong mo?" ani 'ya, mayabang ang tono ng pananalita. Ipinikit ko nang mariin ang aking mata dahil naiinis na ako. Actually kanina pa talaga ako naiinis sa kakaisip kung saan naman kaya nagpunta iyong dalawa tapos dadagdagan pa ni Tim. "Sasabihin mo sa akin o ipapatanggal kita kay dad sa kumpanya?" pananakot ko. "Hindi sa akin uubra ang ganiyan, Marga. Si Dion ang may hawak sa akin at hindi si CEO Facundo. Kahit umiyak ka pa ngayon wala kang mahihita sa akin," mariin niyang wika. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD