TIM Gagooooo! Kinabahan ako sa mga iniuutos sa akin ni Dion! Akala ko pa naman iyong isang linggo niyang bakasyon, ibig no'ng sabihin ay isang linggo rin akong walang gagawin dahil bakasyon siya, eh. Alangang ako bising-busy samantalang siya ay masarap ang buhay kasama ang minamahal niya. Mabuti nga't hindi niya ako inistorbo kagabi dahil may pinuntahan ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isip at naisipan kong mag-hire ng entertainer. Mabuti na lang at walang nangyari sa amin kagabi, pure casual talk lang. Magaan ang loob ko dahil sa kaniya... hays! May side tuloy sa akin na nanghihinayang dahil hindi ko man lang nakuha ang cellphone number niya at kahit pangalan man lang. "May next time pa naman. Sa susunod, sisiguraduhin kong magiging magkaibigan na kaming dalawa," nakangi