PASADO ala sais na ng hapon. Ang inaasahang masayang party ay nauwi sa habulan. Unang nakarating sina Dion, Tim, at Jam sa airport. Maya't maya ay tinawagan nila si Danaya upang kumustahin ang kalagayan nito. "Good, malapit ka na. Mag-iingat ka, okay? Kalma, Danaya... don't stress yourself," sabi ni Dion bago niya ibaba ang tawag. Habang kabadong inililibot ang pangingin para libangin ang sarili, napansin ng mga tao ang pamilyar nilang mukha. "Hindi ba't sila itong nasa balita?" tanong no'ng isang babae na saktong pinanonood ang ulat tungkol kina Dion. Nakaagaw sila ng mas maraming atensyon dahil sa sinabi ng babae. Tiningnan nila ang kani-kanilang cellphone upang ikumpira kung sila nga ang hinahanap ng mga pulis. "Sila nga!" bulalas muli no'ng babae. Tumayo ito, itinuro sina Dion.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


